Walalang. MAguupdate lang ako. 1 month din akong nawala eh. Nasira kasi ung computer. Dapat bibili na lang ng bago pero buti, naayos pa. Kaso nga ang pinalitan ung OS eh. Ginawang win2000 na dating WinXPProfessional. Kaya hindi ako sanay!
Anywayz, ang dami nga palang nangyari kahapon. Nagising ako ng 4:00 para sa CAT formation namin. ANg highschool level daw may pasok pero kami, CAT. Sabi exam daw, hindi pa ako nakakapag-aral nun. Tapos pinagdala kami ng 5 noodles at 2 canned goods (if possible not sardines or tuna). Ayun, 6:00 na hindi pa rin kami nakakaalis ni Sheena na C.O.(pinsan ng pinsan ko, wala kaming koneksyon sa dugo ok? Hindi ko siya 2nd cousin!). 6:30 ang pasok ng mga officers. Tarantang -taranta na kami kasi nga malelate na ako. Antipolo kami tapos taytay pa ang school namin! 30 minutes kapag namasahe at 15 minutes naman kapag nakakotse. Buti na lang at dumating ung driver at pinagdrive kami! Laking tuwa namin.
Nagfoformation na, kami ni Bianca ang inassign sa Morning Prayer. Hala... hindi ko kabisado kapag ako lang ang nagsasalita. Pero cge kahit ano na lang gawin ko sa harapan. Medyo ok naman ang kinalabasan. Tapos nagdiscuss kami ng Map Reading. I, being the Bravo Company commancer, took charge of my company. Inassign ko ang ex-o at admin ko na magdiscuss sa 1st platoon kasi matitino un at absent ang patoon leader nila. Ako naman sa 2nd platoon together with the 2nd platoon leader, hindi kasi siya sinusunod.
Ilang beses ko na sa kanila pinaulit-ulit na basahin muna ang poopsheets tapos ididiscuss maya-maya kasi hindi pa rin namin nababasa dahi kakabigay lang. Lagi na lang on-the-spot and discussions ha! Nainis na ako dahil wala namang nagbabasa, insteas\d, ginagawang eroplano ang mga popsheets! Eh di sabi ko:
"Ok, cge, magdidiscuss na tayo. Ang ididiscuss natin ngaun ay tungkol sa Map Reading. Cnong makakapagexpain ng introduction?"
Walang nagtaas ng kamay, ang iba, hindi nakikinig. Tinawag ko c Gene Carlo na naglalaro ng popsheet.
Hindi niya maexplain, kaya naman binigyan ko sa ng REWARD. 30 sec. siyang nakastarting position ng push-up. Tingnan natin kung hindi siya mangalay. Aba! Nangalay ang loko at dumapa! Eh di pinaulit ko, ulit din ang counting. Hindi na niya kinaya ang kahihiyan dahil ang lahat ng privates and officers ay pinapanood siya at pinatatawanan pa. NagWALK-OUT! Sabi niya: "Hindi ko yan gagawin, iabsent niyo na lang ako!" Eh di cge!
Sa ginawa kong iyon, natakot ang 2nd platoon kasi hindi sila nagbasa. Buti naman. Ilang beses ko na kasing pinaulit-ulit na basahin nila ayaw nila, well, sorry sila hindi sila nagbasa. Ngaun ang hindi makasagot ay may reward.
Paguwi ko naman, nawala lahat ng popsheets ko!!!
Pagkadating ko sa bahay, nagsisisigaw na si Mama. Bilisan na daw namin at malelate na sa kasal. Kasal kasi ng tita ko (1st cousin ni Mama) sa St. Francis Church katabi ng Lourdes School of MAndaluyong. Ginawa akong abay, proxy sa pinsan kong college na may pasok. Dahil sa kasal na yan, napilitan ko tuloy na hindi umattend ng practice ng cheering. ok lang, makakahabo pa naman ako.
Ang reception ay sa DAD'S. Busog na busog ako sa dami ng pagkain! Hindi na namin tinapos ung reception at nagtungo kami sa SAMPALOC para sa ngipin ng lola ko (tita ni Mama). ANg dentista ay ang tito ko. Pagkatapos ay pumunta kami sa ST. LUKE'S dahil inoperahan ang pinsan kong si Peaches sa mata. M
ay hole at katarata daw ang mata niya at hati ang tingin niya. Lens transplant ang ginawa sa kanya. Buti naman at ok na siya ngaun, kaso nga lang kelangan niya magsuffer sa SPECIAL EXAM dahil for sure ay hindi siya makakapagexam sa Wed, Thurs., at Fri.
Speaking of St. Luke's, kanina nga pala ay nacomatose daw si FPJ (hini ako makaFPJ ha!). Dinala daw siya sa St. Luke's. Kafloor ni Peahce ang kwarto ni FPJ kaya nakikita nila Mama (na kasalukuyang nagbabantay kay Peaches) ang mga artistang dumadalaw kay FPJ tulad ni Richard Gomez atbp.
Hay naku! Ang haba ng pinost ko ngaun ah! Pero ok lang un, at least i'm back... hehehe